Naniniwala si Deputy Speaker at Las Piñas City Representative Camille Villar na dapat magsagawa ng malalim na pagtatasa at komprehensibong pag-aaral ang gobyerno sa estado ng mental health sa mga mag-aaral.

Ito ay matapos muling bumagsak ang kalagayan ng mental health ng mga estudyante na pinalala sa panahon ng pandemya.

“There is a need to conduct an in-depth assessment of and comprehensive study by relevant government agencies – such as the Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), and the Philippine Statistics Authority (PSA) – on the present state of mental health of the country’s education sector in particular and the overall population, in general, to address immediate needs in a bid to establish more mental health units in schools, hospitals, or rural health units, among other measures,” ani VIllar sa kaniyang House Resolution (HR) No. 900.

Ang nasabing panukala ay humihimok sa mga kinauukulang ahensya para sa agarang tugon alinsunod sa mga pag-aaral ng mga kaso ng tumataas na suicide reports.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Bukod sa pamumuhunan sa mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip, sinabi ni Villar na mayroon ding kagyat na pangangailangan na magkaroon ng aktibong pagsisikap na isulong ang kanilang kalusugang pangkaisipan.

Kaugnay din sa panukala ang pagpapabuti ng pangkalahatang access sa mental health at mga serbisyo ng therapist sa mga paaralan at komunidad upang matugunan ang pangkalusugang isyu sa sektor ng edukasyon.

Anang mambabatas, "The collective health of citizens greatly affects the success of their overall socio-economic development, as well as their access to education and other basic services."

"Thus, we must look into the status of the seeming mental health crisis afflicting the education sector in order to institutionalize targeted interventions, raise mental health awareness and determine the mental health crisis afflicting students."