Tila naunawaan na raw ng Australian-British medical doctor at content creator na si Doc Adam Smith kung bakit "motivational rice" ang tawag ni social media personality, motivational speaker, at negosyanteng si Rendon Labador sa isang takal ng kanin sa kaniyang sports bar-restaurant.
Aniya, palagay niya ay inaayos ni Rendon ang problemang pangkalusugan tungkol sa diabetes at obesity sa Pilipinas.
"Rendon sa wakas naintindihan ko kung bakit mahal ang rice mo, sinusubukan mo ayusin ang diabetes and obesity sa Philippines, salamat sa sacrifice mo, ikaw lang ang puwede lunasan ito, thanks for the motivation," aniya.
Bago ang pahayag na ito, nagpatutsada muna si Doc Adam tungkol sa ₱100 motivational rice ni Rendon, matapos itong pagtaasan ng kilay ng mga netizen.
"I don't understand this Rendon Labador Rice thing? Why is spending 100 pesos on Rice Motivational? Surely it's Stupid to waste money on something that's cheaper elsewhere? I don't get it," ani Doc Adam.
Dagdag pa niya, "Is he saying I should be motivated to be rich enough to waste money on rice? Surely that's a really weird thing to be motivated to do."
Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Rendon hinggil sa mga banat ni Doc Adam.