Nalimitahan ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) nitong Miyerkules ng hapon matapos na magkaaberya ang isa sa mga tren nito sa Roosevelt Station sa Quezon City.

Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, nabatid na dakong ala-1:54 ng hapon nang ipatupad ang limitadong operasyon ng mga tren mula Baclaran sa Parañaque City hanggang sa Balintawak, Quezon City lamang at vice versa.

Ayon sa LRMC, ito’y bunsod ng aberyang dinanas ng isa sa mga tren sa Roosevelt Station, na kaagad rin namang kinumpuni ng LRT Line 1 Engineering Team.

“UPDATE: As of 1:54 PM, April 19, 2023. Limited operations for LRT-1. Trains run only from Baclaran  to Balintawak and vice versa. Our Engineering Team is onsite working on the train fault at Roosevelt Station. We apologize for the inconvenience. Thank you for your patience,” abiso pa ng LRMC.

National

House Quad Comm, nanindigang ‘di ilalabas transcript ng hearing para sa ICC

Pagsapit naman ng alas-2:31 ng hapon ay naibalik na rin ang full operations mula Baclaran hanggang Roosevelt Station at pabalik.

“UPDATE! As of 2:31 PM, April 19, 2023. LRT-1 has resumed full operations from Baclaran to Roosevelt Station and vice versa. Ingat po sa biyahe!”