Nakakuha ng "Bronze Award" bilang "Best Public Affair Program" ang "KBYN: Kaagapay ng Bayan" ng ABS-CBN na hino-host ni TV Patrol news anchor Kabayan Noli De Castro, sa prestihiyosong New York Festivals TV & Film Awards 2023.

"The Kapamilya network's current affair show received the recognition under the Best Public Affairs Program category for its feature on three inspiring stories that exemplified the indomitable Filipino spirit," ayon sa anunsyo ng ABS-CBN News and Current Affairs.

View this post on Instagram

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)

Mga programa ng GMA Network wagi sa New York Festivals 2023

Samantala, nag-uwi rin ng karangalan para sa bansa ang GMA Network matapos mag-uwi ng dalawang Gold at Bronze Awards.

Para sa Gold Awards nakuha ito ng “Sugat ng Pangungulila (Wounds of Woes)" episode ng award-winning news magazine show na "Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS)" at ang “Mata sa Dilim (Eye in the Dark)" ng "The Atom Araullo Specials" na unang umere noong 2022.

Para sa Bronze Awards, nasungkit ito ng "Maria Clara at Ibarra" para sa kategorya ng drama series.

Nagwagi rin ang GMA Integrated News - Digital Video Lab's online newscast na Stand for Truth para sa Cultural Issues category, matapos nilang itampok ang "buya" o arranged marriage ng tribung Manobo.

Bukod dito, nakakopo pa sila ng finalist certificates para sa documentary category na shortlisted din dito gaya ng I-Witness, Born To be Wild, at Reporter's Notebook.

Pagbati sa mga nagsipagwagi!