May balak pa aniyang bumalik sa Pilipinas ang kontrobersyal na si Negros Oriental 3rd district Representative Arnolfo "Arnie" Teves Jr., na itinuturong mastermind sa naganap na broad-daylight assassination kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 4.

Ito ang isa sa mga tanong sa kaniya sa naganap na virtual press briefing noong Lunes, Abril 17. Hirit pa ni Teves, isa sa mga mag-uudyok sa kaniya upang umuwi ay ang mga alagang ibon. Ngunit uuwi lamang daw siya kapag alam niyang ligtas siya at malayo sa threats.

"Of course, definitely. When I feel safe, I will go home. Sa totoo lang namimiss ko na mga ibon ko eh… The threat to my life is true. Di ko alam bakit ko kailangan pumunta diyan," paliwanag ni Teves, na nagtungo sa Amerika noon pang Pebrero 28.

Nagkomento rin si Teves sa pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na titiyakin nito ang seguridad niya sa sandaling bumalik siya sa Pilipinas para sa imbestigasyon.

National

Iba pang murder complaints, isasampa vs Teves – abogado ng pamilya Degamo

"Bakit hindi nila nasiguro yung kaligtsadan ni Degamo? Kaalyado nila 'yon, 'di ba? If they can answer that question I'll go home."

"Who's gonna watch over me? Army and police? Sino nagbantay kay Degamo? Army at police 'di ba? Nasaan na yung tao ngayon? Nakalibing."

"An assurance is an assurance, but alam ko kung ano yung totoong safe at ano 'yong hindi. Bakit naman ako hindi uuwi, di ba? Sino naman ayaw umuwi. OFW nga gustong umuwi eh," pahayag pa ni Teves.