Inaasahang mararanasan ng mga residente ang pagkaantala sa serbisyo ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal mula Abril 19 hanggang 25 dahil sa maintenance activities, inihayag ng Manila Water nitong Martes, Abril 18.
Batay sa advisory ng Manila Water, ang mga apektadong lugar ay ilang bahagi ng Mandaluyong, Makati, Taguig, San Juan, Quezon City sa National Capital Region (NCR) at, Binangonan at Taytay sa Rizal.
Sinabi nito na ang water interruption sa Taytay, Rizal; Quezon City, Taguig City, Makati City, at Mandaluyong City mula 10 p.m. sa Abril 19 hanggang 4 a.m. sa Abril 20 ay dahil sa pagpapalit ng line meter at line meter strainer declogging.
Natukoy na mga apektadong lugar ang mga Barangay San Isidro, Tandang Sora, Pinagsama , Cembo, Barangka Drive, Ilaya (Kapalaran, Silangan, at Countryside Street), bahagi ng (Boni Ave, Halcon, Pinatubo, Makaturing, Limay, Dansalan. St., Malapantao, Wayan, Natib, Kapok, P. Oliveros, Sacrepante, Agudo, Kayumanggi), bahagi ng Brgy. Ibaba (P. Victorino, P.Cruz, E. Pantaleon, Sampaguita, Coronado St., Sunflower, Santan, Cattleya, Everlasting, Yellow, Ilang Ilang, P. Oliveros at Rosal Street at ilang bahagi ng Guadalupe Nuevo.
Sa kabilang banda, ang mga residente ng Taytay, Rizal ay makararanas din ng water interruption simula alas-11 ng gabi sa Abril 19 hanggang 5 ng umaga sa Abril 20 dahil sa line meter strainer declogging.
Ang mga apektadong lugar ay bahagi ng Barangay Santo Nino sa Cainta; at, bahagi ng Barangay San Isidro sa Taytay.
Mula 10 p.m. ng Abril 20 hanggang alas-4 ng umaga ng Abril 21, ang mga apektadong lugar sa Quezon City ay bahagi ng Barangay Rizal, Mariana, Immaculate Concepcion, Balong Bato at Ermitanyo.
Sa Binangonan, ang nakatakdang repair ay mula alas-10 ng gabi. sa Abril 21 hanggang alas-4 ng umaga ng Abril 22 at maaapektuhan ang Barangay Darangan (Mabuhay Homes) at ilang bahagi ng Barangay Pantok.
Sa Taguig City, inaasahan naman na magkakaroon ng water interruption simula alas-10 ng gabi ng Abril 24 hanggang 4 ng umaga ng Abril 25 sa ilang bahagi ng Western Bicutan.
“Manila Water is reminding all the affected residents to store enough water to supply their needs during the maintenance period,” sabi ng Manila Water.
Pinaalalahanan din nito ang publiko na magsagawa ng flushing sa oras na maibalik ang serbisyo ng tubig, sa pamamagitan ng pag-agos ng tubig sa loob ng ilang minuto hanggang sa luminaw ang tubig.
Nicole Magmanlac