Usap-usapan ngayon ang isang ulat na kahit nagpapagaling sa ibang bansa, naghahanda ng legal action si Queen of All Media Kris Aquino laban daw kay celebrity doctor at tumakbong pangalawang pangulong si Doc Willie Ong, dahil daw sa paggamit sa larawan at sitwasyon ni Kris nang walang pahintulot sa isang misleading advertisement.

Ayon sa ulat ng Bilyonaryo, nakipag-ugnayan na raw ang kampo ni Kris sa Divina Law Office upang makipag-ugnayan sa mag-asawang Willie at Liza Ong na tanggalin ang imahe niya sa mixed nuts na ineendorso umano ng dalawa. Ang naturang legal action daw ay batay sa "intellectual property rights for her personal brand."

Hindi raw nagustuhan ng Kris ang paggamit ng kaniyang litrato at health condition bilang endorsement para sa isang mixed up products na makaiiwas umano sa malubhang sakit.

Nakarating na kay Ong ang balita at agad na nagkomento sa comment section ng Bilyonaryo. Aniya, kahit siya ay biktima rin ng naturang fake ads kaya hindi dapat siya ang habulin ng kampo ni Kris.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

"Wala po ako ine-endorse na kahit anong produkto except for one which is Birch Tree Advance, which is a charity advocacy for seniors. All the rest including Mixed Nuts are fake po. I am not the endorser or the owner of these fake FB pages using my name. The fake ads issue is a worldwide problem of influencers. I, and many other influencers are the victims here. My official page has a Blue Verified check mark named Doc Willie Ong with 17 million followers. All FB pages with only a few followers using my name are fake pages po. I have no control on what fake pictures they post. I have reported this to FB for the past 5 years with little success since the scammers just keep making new FB accounts. This is a problem of many influencers. I hope you can clarify this and not harm my reputation."

Screengrab mula sa FB page ng Bilyonaryo

Sa isa pang komento, "These are all obviously fake ads and scammer pages. And Ms. Kris and her lawyers were misled by these fake ads which are not mine po. I do not own nor endorse these products. Please be careful po."

"Mag-ingat sa Fake Ads. Paalala ni Doc Willie Ong. Mag-ingat sa mga Impostor FB pages na ginagamit ang pangalan ko at Doc Liza. Isang produkto lang ang tunay na sinusuportahan ko, ito yung Birch Tree Advance for Seniors. Hindi po tunay ang mga ibang nakikita n'yo. Maraming influencers at celebrities ang nabibiktima nila sa paggawa ng fake FB pages. Ang Official FB page ko ay 'Doc Willie Ong' na may Blue Verified check at 17 million followers. God bless po at ingat palagi. - Doc Willie Ong," aniya.

Screengrab mula sa FB page ng Bilyonaryo

Screengrab mula sa FB page ng Bilyonaryo

Sumegunda naman dito ang sikat na doktor-social media personality na si Dr. Kilimanguru.

"If it’s not posted from the official and verified page of the creator then it’s not true! That’s why we have the BLUE CHECK MARK next to our profile name because that is what distinguishes us from fake pages,": aniya.

Screengrab mula sa FB page ng Bilyonaryo

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang kampo ni Kris tungkol dito.