Simula’t sapul ay pangarap na ni Jervi Li o KaladKaren ang maging isang newscaster na inakala niyang “imposible” noon dahil sa kaniyang pagiging transgender.

Ito ang madamdaming pagbabahagi muli ng unang transwoman din na nakapag-uwi ng Best Supporting Actress Award sa kamakailang summer edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa dagdag na naman niyang #herstory.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Bata pa lang ako gusto ko ng maging newscaster. 😭😭😭Pero dahil transgender ako, sabi ko sa sarili ko mukhang imposible na makakatapak ako sa isang news room. Lumaki kasi ako na walang nakikitang Transgender sa TV. Or kung meron man, hindi sa paraang gusto ko at gusto kong gayahin,” kuwento ng aktres.

Nagtapos na magna cum laude si Jervi Li sa programang Mass Communication sa University of the Philippines sa Diliman Quezon City.

Kaya naman, kalakip ng paggawa ng bagong kasaysayan ay tanging naging hiling ni KaladKaren na mapanuod siya ng isang batang kapwa niyang transgender.

“Noong magkaroon ako ng pagkakataong makapagbalita sa longest-running Tagalog news program sa primetime television, ipinagdasal ko rin na sana mapanood ito ng mga batang katulad ko. Mga LGBTQIA+ kids na nangagarap na may abutin sa buhay,” pagpapatuloy niya.

Sa huli, hiling lang ng aktres na “naging inspirasyon” siya sa komunidad at “sana mas marami” pang miyembro ng LGBTQ+ ang mabigyan ng parehong oportunidad.

“At sana… sa pagbukas ng pintuan, lahat tayo makapasok,” sey ng aktres.

“I’m so happy I delivered the news as Jervi, ❤️” pagtatapos niya.

Basahin: KaladKaren muling umukit ng kasaysayan bilang Celebrity Star Patroller ng TV Patrol – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid