Para sa mga Pilipino, ang musika o mga paborito nilang kanta ay isa sa mga nagbibigay kulay sa kanilang mundo. Ang mga liriko ang naging salita ng kanilang damdamin, at ang bawat tunog ang sandalan sa kanilang nararamdamang saya't kalungkutan at ng pagkatalo.

Madalas na marinig sa radyo at jukebox, ang lumang tugtuging paborito ng mga lola't lolo na bumubuhay sa umaga at naging parte na rin ito ng kanilang pagkatao.

Kaya, tara na't balikan itong mga tugtuging mula sa nakaraan, tayo'y magbalik tanaw ulit sa mga kantang unang bumihag sa atin. Ika nga nila, "gold songs, for old souls."

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

  1. Sino ba naman ang hindi mapapasabay sa kantang "Que Sera Sera" na isinulat nina Jay Livingston at Ray Evans, na nai-publish noong 1955. Ang "Que Sera Sera" o sa translation na "Whatever will be, will be" ay nangangahulugang ang mga bagay-bagay ay hindi mo kontrolado.

https://youtu.be/y0ltYApM_tk

2. Tiyak na maraming kikiligin sa kantang "Only You," likha ni Buck Ram at pinasikat ng bandang The Platters noong 1955. Ang kantang "Only You" ay para umano sa mga taong kuntento na sa isa.

https://youtu.be/bo23bJnlnzo

3. Minsan napaindak ka na rin sa kantang "Itsy Bitsy Teenie Weenie Yellow Polka Dot Bikini" ni Paul Vance and Lee Pockriss na kinanta ni Brian Hyland at sumikat noong 1961.

https://youtu.be/ge9Ou3-YyqU

4. Isa rin sa kantang nanghaharana ay ang "Too Much Heaven" na pinasikat ng musical boy group na Bee Gees noong 1970's. Isa rin sa mga kantang pinasikat nila ay ang "How deep is your love." 

https://youtu.be/i6iBAuwBODA

5. Hindi rin magpapahuli sa pangingiliti sa mga tainga ang country pop na kantang "Top of the World" ng Carpenters. Sinulat ni Richard Carpenter at sumikat noong 1970's.

https://youtu.be/vupwAFMXLkA

6. At minsang ginagamit sa mga meme na "Lemon tree" ay pinasikat ng bandang Fools Garden noong 1990's. Ang kantang ito ay para sa mga taong nag-antay sa wala. Sa madaling salita, mga taong bigo sa pag-ibig.

https://youtu.be/wCQfkEkePx8

Ikaw, i-comment mo na ang naging paborito mong lumang tugtugin!