Sa kauna-unahang pagkakataon, isang hiwalay at sariling pageant ng Miss Grand International Philippines ang matutunghayan ng Pinoy pageant fans ngayong taon.

Ito’y kasunod ng pagbubukas ng screening ng MGI Philippines organization kamakailan.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Para sa mga interesanteng aplikante, maaaring ipadala ang kanilang aplikasyon sa pamamagitan ng pag-fill-out ng form kasabay ng kanilang full body, swimsuit, at headshot photos na ipadadala via [email protected].

Para naman sa kwalipikasyon, ang aspiring beauty queens ay dapat hindi bababa sa 5’4 ft. ang tangkad, edad 18-29 taong gulang, isang mamamayan ng Pilipinas, Philippine passport holder, babae, at hindi pa kailanman nag-asawa o nagkaroon ng anak.

Sa ngayon, wala pang detalye kung hanggang kailan tatanggap ng applicants ang MGI Philippines gayundin ang kabuuang calendar of events nito.

Matatandaan noong Nobyembre 2022, opisyal nang kumalas ang pageant brand sa dati nitong tahanan, ang Binibining Pilipinas Charities Inc (BPCI).

Basahin: Binibining Pilipinas, opisyal nang binitawan ang Miss Grand Int’l franchise – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang anunsyo ay kasunod din noon ng kontrobersyal na pagbalik sa Thailand ni Binibining Pilipinas Grand International 2022 Roberta Tamondong matapos itong ma-appoint bilang fifth runner-up.

Bago ang opisyal na pagtiwalag ng pageang brand, nauna nang naging usap-usapan noon ang hayagang pagnanais ng MGI owner at Thai businessman na si Nawat Itsaragrisil na magkaroon ng hiwalay na pageant ang national franchise.

Sa pag-uulat, wala pang Pinay titleholder ang nakasungkit ng mailap na golden crown.