Hindi na makakapaglaro si TNT shooting guard Roger Pogoy sa pagpapatuloy ng PBA Governors' Cup Finals at sa Southeast Asian (SEA) Games sa Cambodia matapos mabalian ng daliri.

"Yung SEA Games, wala na. 'Di ako aabot sa SEA Games," sabi ni Pogoy nang magpakita pa rin sa Game 4 sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.

Iniinda ni Pogoy ang nabaling hinliliit na daliri sa kamay na nakuha niya sa Game 3 nitong Biyernes kung saan natalo ang kanyang koponan. 

Isa si Pogoy sa inaasahan ng Tropang Giga, lalo na ngayong finals kaya kasama siya sa kandidato sa pagka-Best Player of the Conference (BPC).

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Gayunman, tinalo siya ni Ginebra power forward/center Christian Standhardinger.

"Pinilit ko talaga. Kahit noong third quarter (Game 3), sabi ko, 'Game! Pasok pa rin ako.' Kahit sobrang sakit, pinilit ko. Pero every hawak ko ng bola, kung sa 1-10, 10 na talaga yung sakit. 'Yun pala, bali na pala 'yung pinkie ng right hand ko. Tinapos ko pa rin 'yung game, pero after nung laro, doon ko na nararamdaman talaga na konting galaw, sobrang sakit na," pagdidiin ni Pogoy sa. 

"Disgrasya talaga nung pag-sundot ko kay Christian," sabi ni Pogoy.

Tiniyak din ni Pogoy na hindi na siya makalalaro sa SEA Games sa Phnom Penh, Cambodia na mag-uumpisa sa Mayo 5-17.

Philippine News Agency