Suspendido ang number coding scheme oĀ Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) sa Biyernes, Abril 21.

Sa anunsyo ng Metropolitan Manila DevelopmentĀ Authority (MMDA), sumunod lamang sila sa deklarasyong ngĀ MalacaƱang na gawing regular holiday ang nasabing petsa upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng Eid'l Fitr (Feast of Ramadan).

Nangangahulugang hindi huhulihin ng mga tauhan ng MMDA ang mga sasakyang bumibiyahe sa Metro Manila na may ending na 9 at 0 ang kanilang plaka.

Layunin ng number coding scheme na ipinatutupad mula Lunes hanggang Biyernes, maliban na lamang kung holiday, na mabawasan ang mga sasakyan sa lansangan sa National Capital Region upang masolusyunan ang pagsisikip sa daloy ng trapiko.

Metro

QC govā€™t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, govā€™t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC