DAVAO CITY - Iniharap na sa publiko ang isang lider ng New People's Army (NPA) na nahaharap sa patung-patong na kaso matapos maaresto sa Malaysia kamakailan.

Sa pulong balitaan saDavao City Police Office (DCPO) nitong Lunes, iniharap ni Criminal Investigation and Detection Group-Davao Region (CIDG-11) officer-in-chargeMichael John Mangahis, sa mga mamamahayag siEric Jun Casilao,secretary ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) at miyembro ng Central Committee-Communist Party of the Philippines (CPP).

Dakong 2:00 ng hapon nang dumating sa Davao City si Casilao, kasama ang mga pulis na umaresto sa kanya sa Malaysia.

Inaresto si Casilao habang sumasakay sa isang ferry patungong Koh Lipe, Thailand kamakailan.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Si Casilao ay nahaharap sa mga kasongmurder, kidnapping and serious illegal detention, at attempted murder sa Pilipinas.

Bukod dito, nahaharap din si Casilao sa kasong pamamalsipika ng pasaporte sa Malaysia.

Philippine News Agency