Kasabay nang nalalapit na pagbubukas sa mga sinehan ng inaabangan na Kapuso live action adaptation ng Japanese anime na Voltes V, ibinihagi ng komedyanteng si Michael V. ang ilan sa kaniyang mga natatanging Voltes V pieces na parte ng kaniyang koleksiyon.

“Oh ha! Flexing my very first and my very rare V5 pieces; a Bandai Godaikin die cast and a Megs Empinado 1 of 1 na “kahawig” nu’ng sa LIVE ACTION” aniya.

Inenganyo naman niya ang kaniyang mga followers na ibahagi rin ng mga ito ang kani-kanilang paboritong Voltes V pieces.

“Kayo, flex your favorite V5 piece sa comments!”

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Kasabay nito ay ang pagbahagi niya ng kaniyang excitement sa “Voltes V: Legacy: Cinematic Experience,” na siyang unang bahagi ng kwento bago ito ipalabas bilang isang teleserye at mapapanood lamang mula Abril 19 hanggang 25.

“Speaking of which, I’m Ultra Electro Magnetic excited for the “Voltes V: Legacy: Cinematic Experience” simula Wednesday, April 19! Sino manonood? Taas kamay,” sey ni Bitoy.

“Ang Voltes V: Legacy” ay ang kauna-unahang live action adaptation ng GMA Network na pagbibidahan nila Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Raphael Landicho, Matt Lozano, at Martin Del Rosario.