Nanawagan si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga residente ng Maynila nitong Lunes na isapuso ang kasabihang ‘Cleanliness is next to godliness.’

Hinikayat din niya ang mga magulang at mga school institutions na itatak sa isipan ng mga kabataan ang kahalagahan ng naturang kasabihan, upang maging kaugalian na nila ang pagiging malinis hanggang sa kanilang pagtanda.

Ang panawagan ay ginawa ng alkalde matapos niyang papurihan ang mga personnel mula sa Department of Public Services (DPS) sa pamumuno ni Kyle Nicole Amurao, dahil sa pagtatrabaho ng round-the-clock upang matiyak ang kalinisan ng buong siyudad.

Partikular na pinuri ng alkalde ang mga ‘power sweepers’ na nagpapanatiling malinis sa mga kalsada, gayundin ang mga ‘estero rangers’ at ‘Baseco Beach warriors’ na nagpapanatili naman ng kalinisan sa mga katubigan ng Manila Bay at Baseco.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Aniya, ang mga tindero sa Divisoria ay inatasan na rin na panatilihing malinis ang kanilang immediate vicinities at ilagay ang kanilang mga basura sa mga garbage bag upang hindi na mahirapan ang mga DPS personnel sa araw-araw nilang pagkuha ng mga basura.

Pagdating naman sa mga basurang nakukuha ng DPS mula sa bay waters, araw-araw, sinabi ni Lacuna na, “Nakakalungkot dahil pawang basurang nanggagaling sa mga tahanan ng ating mga kababayan ang nakukuha nila.Marapat lang na ipaalala natin sa mga Manilenyo ang wastong pagtatapon ng basura.”

“Land water and air ang sakop ng DPS. Hindi birong gawain kaya saludo ako sa dedikasyon n’yo mga taga-DPS. May clearing operations pa. Nakakapagod pero ganyan po talaga trabaho natin sa pamahalaan. Kailangan po dedikasyon at pagmamahal sa tungkulin,” aniya pa.

Sinabi pa ng alkalde na ang Maynila ang ‘most densely-populated city’ sa buong mundo kaya’t napakalaki ng volume ng basura dito.

Umapela naman si Lacuna sa mga Manilenyo na panatilihing malinis ang lungsod sa lahat ng pagkakataon.

“Dapat mga bata pa lamang sa paaralan, maituro ito. Sa ibang bansa, ‘yun ang unang itinuturo, ‘yung paglilinis ng kapaligiran higit pa sa mga academics. Isang paraan para madisiplina tayong lahat sa murang edad na bitbitbitin natin hanggang sa tayo ay tumanda,”