Hindi napanalunan ang halos ₱62 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola nitong Linggo, Abril 16.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nakahula sa winning combination ng 21-17-20-46-54-56 na may tumataginting na ₱61,846,959.20 premyo.

Gayunman, siyam na bettors ang nanalo ng second prize na may halagang ₱120,000 habang 250 bettors ang nanalo ng ₱2,000.

Dahil dito, asahan na mas tataas pa ang jackpot prize. 

Binobola ang Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes, at Linggo.

Probinsya

Tatay at kapatid, rumesbak sa away ng mga estudyante sa loob ng eskwelahan!