STA. CRUZ, Maynila -- Nasamsam mula sa isang lalaki ang umano'y high-grade marijuana na "Kush," sa Barangay 310, Sta. Cruz, ayon sa ulat ng PDEA 3.

Kinilala ng PDEA Central Luzon team leader ang nahuling claimant na si Jeric G. Herrera, 27, residente ng F. Telecom Compound, Barangay 310, Sta Cruz, Maynila.

Nasamsam mula kay Herrera ang isang malaking brown box na naglalaman ng limang lata na kung saan nakatago ang limang transparent plastic pouch na naglalaman ng mga dried leaves at fruiting top na hinihinalang "Kush," at tinatayang may timbang na humigit-kumulang 2.378 kilo at may halagang₱3,923,700; identification card; at air waybill.

Ayon sa PDEA, ang parcel na naglalaman umano ng iligal na droga ay mula sa USA at dumating sa Clark port noong Abril 11, 2023.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Ang package ay idineklarang herbal tea ngunit noong sumailalim ito sa x-ray at K9 inspection, napag-alamang ito ay droga.

"A physical examination conducted that led to the discovery of five transparent plastic pouches containing the subject kush," anang PDEA.

Ang operasyon ay isinagawa ngCentral Luzon, PDEA Clark AIU-Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs-Port of Clark, PDEA-NCR at Manila Police District.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Sec. 4 ng Republic Act 9165 ang suspek.