Muling idiniin ng Department of Health nitong Lunes, Abril 17, ang pangako nitong makamit ang isang malaria-free Philippines pagtuntong ng 2030.

Isang malaria-free regional convention ang idinaos ng DOH nitong Lunes, na naglalayong mapabilis ang pag-unlad ng bansa sa mga tuntunin ng pagkamit ng layunin ng malaria-free status sa buong bansa.

Sa naturang pagtitipom, muling pinagtibay ni Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ang layunin ng departamento na sugpuin ang local malaria transmission sa pamamagitan ng collaborative efforts ng national government, local government units, pribadong institusyon, gayundin ng non-government organizations.

“We reiterate our commitment to achieving [a] country-wide malaria-free status by 2030. The goal is within our reach, but we must continue our work to fully achieve this,” sabi ni Vergeire, at idinagdag na ang DOH ay patuloy na magbibigay tulong upang matiyak na maiiwasan ang muling pagpasok ng sakit.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Remember that if treated early, malaria cases can be mitigated and transmission and re-introduction can be prevented,” pagpapatuloy ni Vergeire.

Ang malaria, isang nakamamatay na sakit na dulot ng mga parasito, ay kumakalat sa mga tao sa pamamagitan ng kagat ng isang nahawaang lamok. Sa isang press conference na ginanap noong Pebrero 2023, inihayag ni Vergeire na 80 sa 81 probinsya sa Pilipinas ay idineklara nang malaria-free.

Charlie Mae F. Abarca