Daan-daang mga Bangladeshi Muslim ang nagtipon-tipon sa isang open field sa Dhaka, Bangladesh nitong Lunes, Abril 17, upang ipanalangin umanong umulan sa gitna ng napakainit na panahon.

Sa ulat ng Agence France Presse, sinabi ng pulisya na mahigit 500 mga mananamba ang nagtipon sa Aftabnagar playing ground para manalangin.

Nagdasal umano ang mga Muslim para rin mabawasan ang pagtaas ng temperatura at mabigyan sila ng proteksyon sa gitna ng tag-init.

Sinabi naman ng Meteorology Department na dahil sa climate change, bihirang nangyayari sa taong ito ang mga pag-ulan na kadalasan dapat na bumabagsak tuwing Abril at Mayo. Hindi rin umano pangkaraniwang init ang nararamdaman ngayon ng Bangladesh.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Binanggit din nitong Linggo, Abril 16, tumaas ang temperatura sa Dhaka sa 40.6 °C, ang pinakamataas mula noong Abril 30, 1965.

Unti-unti naman umanong bababa ang temperatura sa mga darating na araw at inaasahan ang mga pag-ulan sa bago matapos ang Abril o bago ipagdiwang ng bansa ang pinakamalaking pagdiriwang nito ng Eid al Fitr.