LAOAC, Pangasinan – Isang napabayaang na cellphone ang nagsimula ng apoy na tumama sa isang bahay sa Zone 2, Barangay Nanbagatan, sa bayang ito, nitong Linggo, Abril 16.

Sinabi ng pulisya na nagsimula ang sunog sa tirahan ni Erminia Ramos Daus, 36, dakong 12:36 a.m.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang bahay.

Nagdeklara ng fire out ang mga rumespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection dakong 12:50 a.m.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Walang namatay o nasugatan sa sunog.

Ayon sa pulisya, ang sunog ay sanhi ng isang cellphone na sumabog matapos mapabayaang naka-charge.