Ipinanukala ng isang senador na bigyan ng tax refund sa Value-added tax (VAT) ang mga dayuhang turista upang mapalakas pa ang turismo sa bansa at lumikha ng mas maraming trabaho.

"Upang makasabay sa mga kapitbahay natin sa Asia Pacific, ang Pilipinas ay kailangang magtatag ng isang tourist VAT refund system dahil walang konseptong ganito sa kasalukuyang umiiral na mga batas hinggil sa pagbubuwis,” ayon kay Senator Sherwin Gatchalian na naghain ng Senate Bill 2023 o An Act Creating a VAT Refund Mechanism for Non-Resident Tourists.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga dayuhang turista ay bibigyan ng VAT refund na hindi hihigit sa 85% ng kabuuang halaga ng VAT na binayaran nila sa mga biniling mga produkto sa Pilipinas na dadalhin palabas ng bansa sa loob ng 60 araw.

"Ang pagtataguyod ng VAT refund para sa mga turista ay maaaring humantong sa tinatawag na 'tourism multiple on national income," paliwanag pa ng senador.

ni Gatchalian. Kapag ganap nang batas, inaasahang dadami pa ang mga dayuhang turista sa bansa.

Bago ang pandemya ng Covid-19, nakapagtala ang Department of Tourism (DOT) ng humigit-kumulang 8.26 milyong dayuhang turista noong 2019. Bumaba ang bilang na ito sa 1.48 milyon noong 2020.