Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na suriin at linisin ang mga posibleng pag-anakan ng lamok dahil prominente rin ang dengue ngayong tag-araw.

Iisipin ng marami na ang dengue ay “mangyayari lamang sa tag-ulan. Pero hindi iyon ang kaso,” ani DOH Officer-in-Charge at Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing kamakailan.

“Ang dengue po dito sa Pilipinas ay endemic. Ibig sabihin, whatever type of season or month, ay nangyayari ang dengue sa bansa,” aniya.

Ang karaniwang sanhi ng dengue infection ngayong tag-araw ay ang kakulangan ng suplay ng tubig, kung saan ang mga tao ay nag-iimbak ng tubig sa mga lalagyan tulad ng pales at basin, ani Vergeire.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Mas gusto ng mga lamok na nagdadala ng dengue na dumami sa malinaw at nakatengga na tubig, aniya.

“So, iyon pong ating iniipon na tubig ay malinaw at walang tubig. Kailangang takpan ng lahat ng sisidlan ng tubig para maiwasan ang mga lamok ay magmultiply at magkaroon sa ating kabahayan,” ani Vergeire.

Dapat ding linisin ng publiko ang kanilang paligid, ani Vergeire.

“Gustong-gusto po ng mga lamok sa maduduming lugar, madidilim, at masisikip. Kailangan lamang po maglinis tayo ng maigi ng ating bakuran,” dagdag niya.

May kabuuang 27,670 dengue cases ang naitala sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Marso 18, ayon sa kamakailang datos mula sa DOH.

Ang bilang ay 94 porsyento na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, kung saan 14,278 kaso ang naitala.

Karamihan sa mga kaso ay naitala sa National Capital Region (3,898), Central Luzon (3,053), at Davao Region (2,707).

Analou de Vera