Binigyang-diin ni Senador Ronald “Bato’’ dela Rosa nitong Sabado, Abril 15, na nais niyang maging patas at pakinggan ang dalawang panig sa darating na pagdinig ng Senado hinggil sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Samantala, hindi binawi ng Senate Public Order and Dangerous Drugs committee ang imbitasyon nito kay Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves Jr. na humarap sa Senate panel sa Lunes, Abril 17, sa pamamagitan ng Zoom.

BASAHIN: Teves, lalahok sa pagdinig ng Senado sa Degamo-slay case – Sen. Bato

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Pamplona Mayor Janice Degamo, asawa ng napaslang na gobernador, sa pagpayag ng komite kay Teves na lumahok sa pagdinig sa pamamagitan lamang ng video conference samantalang sila umano ay lumipad pa pa-Manila galing probinsya para rito.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

BASAHIN: Asawa ni slain Gov. Degamo, 40 iba pa, lumipad pa-Manila para sa pagdinig ng Senado, DOJ

Sa panayam ng DWIZ radio, sinabi ni dela Rosa na pag-uusapan nila ito kasama ng mga miyembro ng komite at gagawa ng desisyon bago simulan ang pagdinig sa Lunes ng umaga. Kung kinakailangan ay pag-aaralan din umano ng komite ang mga patakaran ng Senado.

Sinabi rin ng senador na nais ng mga miyembro ng komite na gisahin si Teves sa pagdinig kahit sa pamamagitan ng video conference kaysa manatili itong magtago sa ibang bansa kung saan huli umano siyang namataan sa Cambodia.

BASAHIN: Teves, maaaring nasa Cambodia pa – Sec Remulla

Samantala, binigyang-diin ni Mayor Degamo na pinapahina ng teleconferencing ang kahalagahan ng kanilang presensya sa nasabing pagdinig. Kaya naman, umapela ang alkalde sa komite na i-reconsider ang kanilang desisyon na payagan si Teves na lumahok sa pamamagitan lamang ng Zoom.