Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na pugante na sa batas si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at dating deputy nito na si Ricardo Zulueta.

Katwiran ni PNP public information chief, Redrico Maranan, sa panayam sa radyo, hindi panaaarestong mga awtoridad ang dalawa.

Hindi pa rin matukoy ang pinagtataguan ng dalawang dating opisyal ng BuCor.

Nangako ang pulisya na hindi sila titigil hangga't hindi nila napapasakamay sina Bantag at Zulueta sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Muntinlupa Regional Trial Court sa kasong murder.

National

'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

Sina Bantag at Zulueta ay idinadawit sa pagkamatay ng preso ng New Bilibid Prison na si Cristito"Jun" Villamor noong Oktubre 18, 2022.

Si Villamor ay sinasabing "middleman" sa pamamaslang kay veteran journalist Percival "Percy Lapid" Mabasa sa Las Piñas noong Oktubre 3, 2022.