Hindi makikialam ang Pilipinas sa mga usapin ng China sa Taiwan.

Ito ang reaksyon ni National Security Council (NSC) assistant director general, spokesperson Jonathan Malaya kasunod na rin ng pahayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian kamakailan na "sinasamantala ng United States (US) ang ipatatayong apat na karagdagang lugar para sa pagpapalawak ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA)."

Ang EDCA ay security agreement ng Pilipinas at US noong 2014 na nagpapahintulot sa mga sundalong Amerikano na paikutin ang mga ito at ilagay ang kanilang kagamitan sa mga base ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kabilang sa apat na EDCA sites ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan at Lal-lo Airport sa nasabi ring lalawigan na malapit na lamang sa Taiwan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nauna nang inihayag ni Huang Xilian na dapat nang itigil ng Pilipinas ang pakikialam sa usapin dahil baka malagay sa panganib ang kapakanan ng mga overseas Filipino worker sa Taiwan.

"The NSC wishes to clarify that the Philippines has no intention of interfering in the Taiwan issue and will not allow itself to be used by other countries to interfere in the said issue as claimed by the Chinese Ambassador in the Philippines in a forum in Manila," paliwanag ni Malaya nitong Sabado ng gabi.

Philippine News Agency