Pinaalala ni Public health expert Dr. Anthony “Tony” Leachon nitong Linggo, Abril 16, na hindi pa natatapos ang panganib ng Covid-19.

Sa panayam ng DZRH, sinabi ni Leachon na bagama’t tinitingnan ng World Health Organization (WHO) ang Covid-19 sa "transition point", hindi kailanman sinabi ng organisasyon na nasa "endemic stage” na ito.

“Ang lagi kong tinitignan ay ‘yung sasabihin ng WHO, kasi buong mundo ang mino-monitor nila. Ang sabi nila [kahit] na ang ibang countries are [now] declaring [it] endemic ay nasa transition period [pa lang] tayo,” ani Leachon.

“Never nilang sinabi na [nasa] endemic stage [na tayo], lalo na ngayon [sa Pilipinas] — two weeks ago maganda ang positivity rate, [pero] after two weeks ay umangat tayo sa 7.4 percent,” dagdag niya.

Ayon kay Leachon, bagama’t hindi ganoon kalala ang pagtaas ng positive rate ngayon kumpara sa nakaraan, dapat pa rin itong maging sanhi ng pag-aalala dahil ang mga patuloy pa rin ang paghawa nito.

“It is not over until it is over. The virus is still out there and we need to protect ourselves. [Right now], I don’t think it is in the endemic stage,” aniya.

Matatandaang idineklara ang Covid-19 bilang isang global pandemic noong Marso 11, 2020.

Charie Mae Abarca