Humigit-kumulang 18,000 mga baka ang namatay matapos umanong magkaroon ng napakalakas na pagsabog at malaking sunog sa isang dairy farm sa Texas.

Sa ulat ng Agence France Presse, isa ring manggawa ang nasugatan sa nasabing nangyaring pagsabog sa Southfork Dairy Farms noong Lunes ng gabi, Abril 10.

Ayon kay Texas Agriculture Commissioner Sid Miller, ito na ang naging pinakanakamamatay at “kakila-kilabot” na pagsabog at sunog para sa mga baka sa kasaysayan ng Texas.

Hindi pa naman matukoy ang naging sanhi ng insidente, ngunit sinabi ni Miller na kapag nalaman na nila ang dahilan ng trahedya, sisiguruhin umano nilang malalaman ito ng publiko upang maiwasan itong maulit.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Samantala, binigyang-diin sa isang Twitter post ng Animal Welfare Institute, isa sa mga pinakamatagal nang animal welfare charity sa Estados Unidos, na nararapat na higit na protektahan ng mga sakahan ang mga hayop sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “commonsense fire safety measures”.