Naging mahaba ang "pagsaway" at pagpapasalamat ni Kris Aquino sa kaniyang special friend na si Batangas Vice Governor Mark Leviste na huwag na itong magkomento kahit emojis, sa kaniyang recent Instagram post, dahil nahihiya na ang Queen of All Media sa constituents nito.
Muling nagbigay ng updates si Queen of All Media sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post nitong Sabado, Abril 15.
Umikot ang post ni Krissy sa kaniyang health condition at pasasalamat na rin sa mga doktor, kaibigan, at kakilalang patuloy na tumutulong at nagdarasal para sa kaniyang agarang paggaling.
Nagbigay rin siya ng detalye hinggil sa kaniyang unang konsultasyon sa mga bagong doktor mula sa India.
Marami sa mga kaibigang celebrities ang nagpaabot ng positibong pagsuporta sa kaniyang "laban," kabilang na si Leviste na nagkomento lamang ng emojis.
Tumugon naman dito si Kris. Aniya, huwag na raw sanang magkomento si Leviste sa kaniyang posts dahil nababahiran ng intriga ang kanilang pagkakaibigan, at maraming nagwi-wish na baka may namumuo nang espesyal na pagtitinginan sa kanilang dalawa, dahil madalas na nagpupunta sa Amerika si Leviste para dalawin at makasama ang actress-TV host.-endorser.
"Please don’t comment anymore even though they were just emojis? You’ve been a blessing to be with me/us every step of the way since my birthday- because you’ve seen the deep bone pain I endure, the hives & bruises that multiply when exposed to the wrong environment, and you worry together w/ bimb, my team, and the rest of my adoptive Houston, OC and LA families when my BP starts rising and hits a triple whammy with the systolic at 150+, the diastolic at 105+, and my heart rate hitting 100, too. Your willingness to be here to see me through these difficult tests and nonstop doctors’ appointments has made me even more grateful to have gotten to know the real you better. (A lot of the pics in this video were taken by the vice governor of Batangas who has mastered the art of iPhone photography)…"
Nagbigay rin siya ng mensahe sa constituents ni Leviste sa Batangas. Aniya, alam niyang wala naman sa job requirement ng isang bise gobernador na tumulong itong mag-alaga sa kaniya. Lagi raw niya itong ipinapaalala kay Leviste.
"Sa mga minamahal ni Vice Gov na mga Batangueño, I have 2 tests left to determine kung kakayanin ko yung mga ipapasubok na bagong gamot sa kin, praying all goes well because KAYO ang boss n'ya at wala sa job requirement ng VG ang tumulong mag-alaga sa ‘kin."
"Parati kong pinaaalala sa kay VG Marc (yun yung correct spelling) his responsibilities in Batangas di hamak mas mahalaga kumpara sa ‘kin dahil pinagkatiwalaan nyo sya ng inyong boto. I grew up knowing: public service is a PRIVILEGE & it’s an accepted reality, serving the people whether binoto ka o hindi, that’s more important than any friendship or romantic relationship."
"Love teaches you how to be patient; constituents in need of social services are not expected to be, because the mandate they gave is based on RESPECT & TRUST; and for all of us, life is difficult enough. Pasensya na po, kinailangan ko lang po ng masasandalan at hindi nya ko binigo- mga Batangueño, hindi ko na po sya gagambalain para yung FOCUS nya inyong inyo," aniya.
Kung pagbabatayan naman ang comment section, marami sa mga netizen ang kinikilig para sa kanilang dalawa, at sana raw, si Leviste na ang lalaking maninindigan para kay Tetay at makakasama niya habambuhay.
Matatandaang noong pagsalubong sa Bagong Taon ay dito na nagsimulang muling maispatan si Mark na dinadalaw si Kris.
Lately nga, ibinahagi pa ni Mark ang pamamasyal nila ni Kris at mga anak nito, pagpapatunay na stable na ang lagay ng special friend.