Isang 50-anyos na Spanish mountain climber ang lumabas na sa underground cave noong Biyernes, Abril 14, matapos siyang mag-isang maglagi doon ng 500 araw bilang bahagi umano ng isang eksperimento hinggil sa mga epekto ng isolation sa katawan ng tao.

Sa ulat ng Agence France Presse, unang nasilayan at nayakap ni Beatriz Flamini ang kaniyang pamilya na isa’t kalahating taon niyang hindi nakita dahil sa nasabing paglalagi sa kuwebang malapit sa Motril sa timog ng Spain.

Sinimulan umano ni Flamini ang hamon noong Nobyembre 21, 2021, at sa loob ng 500 araw sa kuweba, pakiramdam umano niya ay Nobyembre 21 pa rin ang bawat araw na lumipas dahil hindi niya alam kung anong nangyayari sa mundo.

Ginugol na lamang daw niya ang kaniyang oras sa pagbabasa sa tulong ng mga artipisyal na ilaw, pag-eehersisyo, at pagtatahi ng mga sumbrero.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinusubaybayan naman siya ng isang technical team na nag-iiwan ng pagkain sa isang exchange point sa kuweba nang hindi nakikipag-ugnayan kay Flamini upang mapanatili ang kaniyang isolation journey.

May dalawa rin siyang camera para idokumento ang kaniyang karanasan sa kuweba na gagawing dokumentaryo umano ng isang Spanish production company.

Tinawag itong "extreme endurance test" ng Ministro ng Turismo ng Espanya na si Hector Gomez, na inaasahan niyang magkakaroon ng "malaking halaga" para sa agham.

Tinawag naman ni Spanish Tourism Minister Hector Gomez ang ginawa ni Flamini na "extreme endurance test" na nawa’y magkakaroon umano ng malaking halaga para sa agham.

Samantala, ayon kay Flamini na isa sa pinakamahirap na sandali ay dumating nang ang kuweba ay sinalakay ng mga langaw, ngunit hindi niya naisip na talikuran ang hamon.

Sa kabila ng mga pagsubok habang nasa loob ng kuweba, nagkaroon din si Flamini ng magagandang alaala.

"I got along very well with myself," saad niya.