Tila hindi pa tapos ang mahikang hatid ng Kapuso historical drama na “Maria Clara at Ibarra,” matapos nitong manguna sa listahan ng mga trending na palabas sa streaming platform na Netflix.

Dalawang araw mula maging available ito sa nasabing streaming platform, makikita sa mismong home page ng Netflix na number 1 ang MCI, kahanay ng iba’t ibang local at international titles.

Sa sa isang tweet, nagpasalamat naman ang Kapuso writer na si Suzette Doctolero sa patuloy na sumusuporta sa kanilang teleserye.

“Salamat sa pagpapa number 1 sa Netflix ng MCAI. Iba kayo magmahal ng show. Tatanawin itong utang na loob sa inyong lahat,” aniya.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

https://twitter.com/suzidoctolero/status/1647442657667592192?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

Ang "Maria Clara at Ibarra," ay pinagbibidahan nila Barbie Forteza, David Licauco, Julie Anne San Jose, at Dennis Trillo, na nagtapos noong nakaraang Pebrero at unang napanood sa GMA Telebabad ng Kapuso network.