Idiin ni Miss International Queen Philippines 2023 Lars Pacheco na walang ibang dapat sisihin sa mga isyu at kung bakit nawalan ng gana si Anne Lorenzo sa kompetisyon, dahil umano ito sa kapwa nila kandidatang si Patricia Montercarlo na may mga "hinaing" umano sa bumubuo ng MIQ pageant.
Ayon pa kay Lars, maraming kandidatang nabiktima sa maling impormasyon. Ikinuwento pa niyang sigurado umano siyang ang isang screenshot na nagwasak sa mga pangarap ni Anne Lorenzo ay mula kay Patricia Montercarlo.
Aniya, "So, from just one mistake ng screenshot ni Patricia Montercarlo and Anne na nakarating kay Ate Michelle, nag-ugat ito, maraming nadamay at maraming naging isyu."
"Pero sinong puno't dulo nito, kung mayroon man na nag-betray at kung mayroon mang sumira sa pangarap ni Anne, or "somewhat", that is not me, that is Patricia Montercarlo.
"Si Patricia ang sumira ng pangarap ni Anne to win the crown.To summarize it all, the evil here is Patricia Montercarlo," dagdag pa ni Lars.
Nilinaw naman ni Queen Lars ang tungkol sa kumakalat na video na tinalakan niya si Anne Lorenzo at sinabihan din niyang hindi ito marunong sumayaw.
Ibinahagi rin ni MIQPH 2023 Lars na hindi umano nagtagumpay si Anne Lorenzo, nasiraan siya sa mga organizers at sa ibang kandidata para ma-dethrone ito.
"Kinuha niya lahat ng usapan namin at ini-screenshot at sinend niya lahat, and I almost got dethrone because of that," emosyonal na pagbabahagi ni Lars.
Ayon pa kay Lars, hindi siya ang "dangerous" dahil ang totoong dangerous ay si Anne, na dinamay ang buong pamilya para lang matabunan ang kasinungalingan.