Muling nagbigay ng updates si Queen of All Media Kris Aquino sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post nitong Sabado, Abril 15.

Umikot ang post ni Krissy sa kaniyang health condition at pasasalamat na rin sa mga doktor, kaibigan, at kakilalang patuloy na tumutulong at nagdarasal para sa kaniyang agarang paggaling.

Nagbigay rin siya ng detalye hinggil sa kaniyang unang konsultasyon sa mga bagong doktor mula sa India.

"Aamin ako, after my 1st consultation with Dr Khan & Dr Belperio, when 14 vials of blood were drawn- mahirap pag 'nerd' like me; too much researching plus memorized ko na yung mga results na dapat kong ikabahala… pero alam ko rin na hindi dapat pangunahan ang mga doctor."

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

"My last numbers were alarming because maraming bumagsak na sana steady lang at yung mga nanahimik (like my ANA titer) nagparamdam ulit…pinaalala sa ‘kin na yung 4 diagnosed autoimmune ko, pwedeng maging 5 or 6, and my major organs like my heart & lungs can suffer permanent damage."

May bagong treatment daw na kailangang gawin kay Kris ngayong week na ito, kaya sana raw ay kayanin niya.

"THANK YOU- many of you don’t know me personally but friends of my family, my friends, those helping take care of me- all have heartwarming stories about people they know who keep praying for me to get better. i don’t know what i’ve done to deserve your kindness but please know YOU GIVE ME HOPE & COURAGE to KEEP THE FAITH and TRUST GOD’S Merciful LOVE. Thank you for being my RAINBOW…"

"There are special people apart from my doctors I want to THANK by NAME, but i learned the hard way: when you choose to open up portions of your life that should remain private (close friendships & relationships) you open what’s special to harsh judgment. You deserved a health update because you’ve been with me in this journey, sana ibalato nyo na lang ang private life during my journey of healing.🌎"

Ang panganay na anak na si Joshua Aquino ay nasa Pilipinas na raw ulit.