Cabarroguis, QUIRINO — Ang patuloy na pagsasaayos ng kalsada sa kahabaan ng Dibul-Gamis Road sa Saguday sa bayang ito ay inaasahang mag-aalok ng mga oportunidad pangnegosyo sa hindi bababa sa 1,000 residente sa oras na matapos ang proyekto.

Tinukoy ni OIC - District Engineer (DE) Arnold A. Sabug, ang proyekto bilang isa sa mga flagship program sa pagitan ng DPWH at Department of Trade and Industry (DTI) na tinatawag na Roads Leveraging Linkages of Industry and Trade Program.

“This project will establish a sustainable primary source of income to Sagudayenyos through the provision of an accessible and convenient road network beneficial in developing an economically - viable transport facility,” sabi ni DE Sabug.

Siya ay positibo na ang proyekto ay magiging isang boost sa umuusbong na fossilized na industriya ng bulaklak at ikonsidera ang One Town One Product (OTOP) ng Munisipyo ng Saguday.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang proyekto, na nagsimula noong unang bahagi ng Pebrero, ay may kabuuang halaga na P30-Million na pinondohan mula sa General Appropriations Act of 2023.

Bahagi ng proyekto ang pagtatayo ng 0.965-km na Portland Cement Concrete Pavement at slope protection structure.