Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga – Isang aktibong mataas na opisyal ng Communist Terrorist Group (CTG) at dalawang dating miyembro ng CTG ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Zambales, ayon sa ulat nitong Linggo.
Sinabi ni Colonel Ricardo Pangan, Acting Provincial Director ng Zambales Police Provincial Office na pinadali ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company at iba pang concerned police units ang boluntaryong pagsuko ni “Ka Lanta”.
Si Ka Lanta ay isang aktibong miyembro ng CTG na gumaganap bilang isang intelligence officer habang si “Ka Toyo,” dating miyembro ng CTG at “Ka Gomer,” ay dating miyembro ng Underground Mass Organization.
Itinurn-over din nila ang caliber 5.56 improvised pistol, rifle grenade, at improvised shotgun.
Samantala, binawi ni “Ka Jhadie”, dating organizer/coordinator ng Gabriela at Anakpawis, ang kanyang suporta sa CPP-NPA sa harap ng mga tauhan ng Olongapo City Mobile Force Company at iba pang concerned police units.