Ipinaramdam ng TNT ang kanilang lakas matapos talunin ang Ginebra, 116-104, sa Game 4 ng kanilang best-of-seven series sa PBA Governors' Cup sa Araneta Coliseum niton Linggo ng gabi.

Sinandalan ng Tropang Giga ang import nilang dating NBA player na si Rondae Hollis-Jefferson makaraang kumubra 36 points, 10 rebounds, limang assists at tatlong steals.

Malaki rin ang naging suporta ng mga teammate nito upang tuluyang makubra ng TNT ang 2-2 sa serye.

Kumubra ng 17 points si Jayson Castro, at tig-16 naman sina Calvin Oftana at Mikey Williams.

Naka-28 points naman si Justin Brownlee na nakuha ang ikalimang foul lagpas 3:00 minuto pa pa sa third quarter.

Politics

'Ang layo!' SP Allan, sinagot kung handa rin niyang protektahan si Sen. Jinggoy tulad kay Sen. Bato

Bago ito, itinanghal na Best Import si Hollis-Jefferson laban sa kalabang si Brownlee, at nabingwit naman ni Christian Standhardinger ang Best Player of the Conference award.

Itinakda ang Game 5 sa nasabi ring venue sa Miyerkules.