Matapos "talakan" ang social media personality-socialite na si Bryanboy hinggil sa komento nito sa kaniyang motivational rice, hinamon pa ito ni Rendon Labador na gumawa ng sariling brand.
Ipinagdiinan ng motivational speaker na wala umano siyang pakialam sa presyo ng rice dahil ang gusto lamang niya ay mabago ang mindset ng mga Pilipino at maitaas nila ang kanilang standard sa buhay.
Aniya, "Hindi naman presyo ang usapan dito eh. Ang usapan dito, dapat natin baguhin 'yung maling mindset ng mga Pilipino para ma-afford nila 'yung mga gusto nilang ma-afford sa buhay."
"Ang motivational rice ay simbolo ng pag-asa. Gusto ko kasing suportahan natin 'yung sariling atin, 'yung mga farmers natin para mas makatulong 'di yung Gucci rice na 'yan," dagdag pa niya.
Hinamon pa ni Rendon si "Gucci Boy" na magtayo ng sariling brand.
"You're not even a brand. Empleyado ka lang ng mga 'yan. Kung talagang magaling ka at kung talagang malupit ka, create your own brand," sey ni Rendon.
Samantala, kahit na viral ang motivational rice ni Rendon, sumadsad naman ang ratings ng bago niyang resto. Sabi ng socmed personality, hinding-hindi umano siya susuko.
Wala pang tugon, reaksiyon, o kontra-pahayag si Bryanboy tungkol dito.