Kasalukuyang naghahanap ng volunteers ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City para sa book reading campaign nito na naglalayong pataasin umano ang literacy skills ng mga bata. 

Matatandaang inilunsad kamakailan ni Mayor Ruffy Biazon ang Muntinlupa Reading Book (MRB) Club para mahikayat ang mga bata na magbasa.

BASAHIN: Muntinlupa mayor, naglunsad ng Reading Book Club para sa mga bata

Sa pamamagitan ng Tourism, Culture and the Arts Department (TCAD), nanawagan ang MRB Club ng volunteer readers na residente ng Muntinlupa at kayang maglaan ng hindi bababa sa isang oras para rito.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Hinikayat ni Biazon ang Muntinlupeños na maging bahagi ng pag-volunteer para sa mga bata sa kanilang komunidad sa ilalim ng Make Your City Proud (MYCP) volunteer program.

Ayon sa alkalde, ang nasabing programa ay naglalayong pataasin ang literacy skills ng mga bata tulad ng pagbabasa, pakikinig, at pag-unawa.

Magsasagawa naman umano ang makapapasok sa MYCP program ng mga libreng workshop at maaaring makatanggap ang mga ito ng MYCP points na magagamit sa mga benepisyo at insentibo mula sa pamahalaang lungsod at mga akreditadong mga partner nito.