Nakiusap ang aktres na si Miles Ocampo sa netizens na maghinay-hinay sa "body shaming," may health condition o wala man ang isang tao.
"With or without any health conditions, no to body shaming. Be kind. always. please," ani Miles sa kaniyang IG post, na nagpapaliwanag sa kaniyang pinagdaanang operasyon kamakailan.
Lakas-loob na ibinahagi ng aktres at "Eat Bulaga" host ang kaniyang pinagdaanan patungkol sa kaniyang health issue, at ang dahilan kung bakit may tapal ang kaniyang leeg gayundin ang kaniyang weight gain.
Ayon sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Abril 14, ang kaniyang kondisyon ay tinatawag na " Papillary Thyroid Carcinoma." Sumailalim siya sa operasyon at tinanggal ang kaniyang thyroid glands.
"I used to be scared of hospitals.." ayon sa IG post ni Miles.
Idinetalye ni Miles ang kaniyang mga naranasan noong hindi pa niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Noong 2022 pa pala niya nararamdamang may kakaiba sa kaniya.
"But since late last year I haven’t felt my normal self. Waking up in the middle of the night cause I can’t breathe, I get tired so easily, sooooo frustrated with my weight gain, para akong palaging hapong-hapo and sinasakal… then finally I had the courage to have it checked… for someone who’s afraid of needles I feel like it was an endless blood tests, ultrasound to biopsy, then the decision to remove it ASAP… we found out it was Papillary Thyroid Carcinoma. I had to undergo Thyroidectomy surgery to remove my thyroid glands. It all happened in an instant."
Pinasalamatan ni Miles ang mga doktor, mga kaibigan, at mga malalapit na tao sa kaniya.
"A month after my operation, here I am embracing my journey and sharing it to all of you. I’ve been receiving messages from you guys who has the same situation with me that you’re inspired with what I went through, but sharing your experiences too and reading your comments inspired me too. You are not alone. Sending my love to everyone. Love and prioritize yourself. ✨
Kamakailan ay nag-guest din si Miles sa "Magandang Buhay" at dito niya unang ibinahagi ang kaniyang mga pinagdaanan.