Iniulat ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) nitong Biyernes na nakamit na nila ang 82.7% completion rate para sa Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project mula nang simulan ang pagtatayo nito noong Setyembre 2019.

Ayon sa LRMC, nakumpleto ang viaduct noong Pebrero 2022, habang ang kasalukuyang pagtatayo ng istasyon ay kinabibilangan ng "architectural, mechanical, electrical, plumbing, fire protection, at safety works." Pagdating naman sa tuntunin ng sistema ng tren, ang pag-install ng trackwork at overhead catenary system ay halos kumpleto na.

Samantala, ang pagtatayo ng limang bagong istasyonay sumasailalim na sa iba't ibang stage ng development.

“We remain optimistic that we can start commercial operations of Phase 1 by the fourth quarter of 2024 highlighting the continuous milestones being achieved by our team. The target this year is to complete all civil and equipment installation works so we can focus on commissioning the entire line by next year. Despite the challenges we have encountered, we remain focused and committed to deliver on our promise of upgrading the commuter experience,” ayon kay LRMC President at CEO Juan F. Alfonso.

Pag-akto ni VP Sara bilang 'legal counsel' ni Lopez, 'unconstitutional'-Rep.Chua