Marami ang naantig sa post ni Chelle Macalalad tampok ang isang jeepney driver sa Batangas na nagpalibreng sakay sa kaniyang kaarawan.

“Happy Birthday Kuya Driver ng Dagatan! Salamat sa libre pasahe!” caption ni Macalalad sa kaniyang post sa Facebook group na ‘Bantay Trapiko sa Batangas City’.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Macalalad papasok siya sa opisina noong Miyerkules nang masakyan niya ang naturang jeep.

Magbabayad na raw sana siya ng pamasahe nang mabasa niya ang tarpaulin sa harap na may nakalagay na “Ngayong birthday ko, pamasahe mo, sagot ko!”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ayon kay Macalalad, first time niyang maka-encounter ng ganoong uri ng kabutihan mula sa estranghero. Agad naman siyang nagpasalamat kay Kuya Driver at binati ito sa kaniyang kaarawan bago bumaba sa jeep.

“Salamat sa kanya dahil mabuti ang kanyang kalooban. Kahit parang may edad o baka senior na siguro si Kuya Driver dahil medyo maputi na ang kanyang buhok pinili pa rin nya magbigay sa kapwa sa mismong araw ng Birthday nya,” aniya.

Dahil sa pagkaantig sa ipinamalas na kabutihan ni Kuya Driver, naisip daw niyang i-share ito sa kanilang Facebook group bilang appreciation post.

“Gusto ko malaman ng mga tao ang good vibes na na-experience ko nung araw na yun at para matuwa din sila. Gusto ko din maging inspiration ito sa iba,” ani Macalalad.

Sa ngayon ay umani na ang naturang post ng mahigit 1,900 reactions, 286 comments, at 63 shares.

Komento ng netizens:

“Happy birthday and more birthdays to come.More blessing po kuya nakakataba ng puso❤️❤️❤️🙏🙏🙏."

“Happy bday po godblees at ingat po palagi sa byahe.”

“Happy birthday 🎈🎊🎁kuya, ang bait mo naman,, sana all.ganyan!”

“Happy birthday 🎈🎊🎁 manong driver. Aye aye SALUTE to you.”

“Happy and Blessed Birthday 🎂 po May God Bless you in all aspects of your life🙏🎂🎁🎈.”

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!