Muling umukit ng makasaysayang record ang Korean pop group na Blackpink.
Ayon sa Guinness World Records (GWR), hawak ngayon ng grupo ang titulo sa most-viewed music channel sa YouTube pagkatapos magrehistro ng 30,151,716,121 noong Abril 12.
Ang dating may hawak ng record ay ang US band na Maroon 5, na mayroong mahigit siyam na bilyong view noong 2018.
Nauna na rito ang pagbasag nila ng record bilang kauna-unahang K-pop group music video na lumagpas sa 2 billion views sa kanta nilang DDU-DU DDU-DU.
Ang grupo ay may hawak ding maraming records gaya ng pagkakaroon ng pinakamaraming subscriber.
Bukod sa mga nabanggit, kinilala ng GWR ang BLACKPINK bilang most streamed female band sa Spotify sa buong mundo matapos umani ang kanilang mga awitin ng 8,880,030,049 individual streams.
BASAHIN: BLACKPINK, kinilalang ‘most streamed female band on Spotify’ sa buong mundo
Binubuo ng apat na miyembro na sina Jisoo, Rose, Jennie, at Lisa, ang BLACKPINK ay nag-debut noong 2016 sa kantang "Boombayah" at "Whistle."
Nito lang Marso 25 at 26, bumisita ang hitmaking girl group sa bansa para sa kanilang "Born Pink" concert tour na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.