LAGUNA -- Inaresto ng pulisya ang dalawang high value individual (HVI) sa isinagawang drug buy-bust operation nitong Biyernes, Abril 14, sa Calamba City.

Ayon sa ulat ni Laguna Police Director Col. Randy Glenn Silvio, nakilala ang mga suspek na sina Dominique at Raquel, kapuwa residente ng Calamba City.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang city police drug enforcement team dakong ala-1:36 ng tanghali noong Biyernes sa Purok 2 Sitio Magalang, Brgy. Real, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek habang nakikipagkalakalan umano ng shabu sa isang police poseur buyer gamit ang marked money, ayon kay Calamba City Police Chief Lt. Col. Milany Martinez.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang iligal na droga na tumitimbang ng 53 gramo at may tinatayang street value na P360,400.00 at marked money.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasa custodial facility na ngayon ng Calamba City police ang mga naarestong suspek habang ang mga reklamong may kinalaman sa droga na ihahain sa korte at ang mga nakumpiskang ebidensya ay isusumite sa Crime Laboratory para sa forensic examination.