Napatayo ang apat na hurado ng Canada’s Got Talent kamakailan matapos magpabilib ng kaniyang singing talent ang tubong-Vancouver Island at dugong Pinoy na si Raymond Salgado.

Ang Pinoy talent ay nagbabalik entablado matapos unang mabigo sa kaniyang American Idol bid.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Buong-husay at buong-puso na kinanta ni Raymond ang hit na “Heaven” ni Canadian star Bryan Adams kung saan unang napatayo at napapalakpak ang mga audience.

Sunod na makikita ang paghanga sa mga mukha ng hurado na si Howie Mendel, Lilly Sigh, Trish Stratus at Kardinal Ofishall na sa huli’y standing ovation din ang naging tugon sa outstanding performance ng Pinoy talent.

Apat na yes ang nakuha ni Raymond na magbibigay sa kaniya ng tiket para sa next round.

Isa namang karangalan para sa 24-anyos na mang-aawit na maging kinatawan ng Filipino-Canadian community sa naturang show.

Kamakailan, kapwa Pinoy-Canadian singer din na si Tyson Venegas ang umaariba sa hiwalay na kompetisyong American Idol.

Basahin: Katy Perry, tumalak! Dugong Pinoy na si Tyson Venegas, pasok na sa Top 24 ng American Idol – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pasok na sa Top 24 ang Pinoy talent na nangakong lalo pang ipamamalas ang galing sa next round.