Kapwa mga nagtapos sa University of the Philippines College of Law ang matagumpay na nakapasok sa top five ng 2022 Bar Examinations.

Sa inilabas na resulta ng Korte Suprema nitong Biyernes, Abril 13, hinirang na first place si Czar Matthew Gerard Torres Dayday matapos makakuha ng 88.8083% rating.

Sinundan naman siya ng kapwa UP graduates na sina Erickson Cayabyab Mariñas na nakakuha ng 88.7666%, Christiane Claire Cregencia na may 87.9667%, Andrea Jasmine Ong Yu na nakakuha ng 87.7750%, at Kim Gia Grande Gatapia na may 87.4250% rating.

Samantala, tinanghal na top-performing school ang San Beda University makakuha ng 97.58% overall score mula sa mahigit 100 examinees nito.

National

PBBM, masayang ligtas si Donald Trump mula sa 'assassination attempt'

Naging second place naman dito ang Ateneo de Manila University matapos makakuha ng 97.24% score, habang nasa pangatlong puwesto ang University of the Philippines na may 95.02% score.

Sa kabuuan, tinatayang 43.47% examinees ang tagumpay na nakapasa sa nasabing November 2022 Bar Exams.

BASAHIN: 43.47% examinees, pasado sa 2022 Bar Exams!