Nag-aalburoto pa rin ang Mount Pinatubo at Kanlaon Volcano matapos maitala ang sunud-sunod na pagyanig sa nakaraang 24 oras.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tatlong pag-uga ang naramdaman sa Mt. Pinatubo habang limang pagyanig naman ang naitala sa Bulkang Kanlaon.

Huling bumuga ng 262 tonelada ng carbon dioxide kada araw ang Mt. Pinatubo noong Abril 13, 2021.

Pinagbabawalan pa rin ang publiko na lumapit o pumasok sa Pinatubo crater dahil posibleng bumuga ng nakalalasong gas.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Noong Hunyo 15, 1991, naganap ang pangalawa sa pinakamalakas na pagsabog ng bulkan sa loob ng 20th century na ikinasawi ng halos 900 katao.

Kaugnay nito, limang pagyanig naman ang naramdaman sa Bulkang Kanlaon.

Nitong Abril 6, 2023, huling nagbuga ng 91 tonelada ng sulfur dioxide kada araw ang nabanggit na bulkan.

Sa huling monitoring ng ahensya, nakitaan pa rin ito ng ground deformation o pamamaga ng bulkan..

Babala pa ng Phivolcs, bawal pa rin ang paglapit o pagpasok ng publiko sa apat na kilometrong radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa pangambang magkaroon ng phreatic explosions.