Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na huwag magtapon ng basura sa lansangan na nagiging dahilan ng mga pagbaha sa kalakhang Maynila.

Sinabi ng MMDA na kailangan lamang magkaroon ng disiplina upang maiwasan ang pagbabara sa drainage system na nagiging dahilan ng malawakang pagbaha, lalo pa't malapit na ang tag-ulan.

Babala ng ahensya, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng anumang uri ng kalat o basura, katulad ng balat ng kendi, upos ng sigarilyo, papel, bote at iba pa sa mga lansangan at daluyang tubig.

Sa ilalim ng MMDA Regulation No. 96-009 o Anti-Littering Act, ang mahuhuling lalabag ay magmumulta o may katumbas na community service.Apela pa ng MMDA, sumunod sa batas at maging responsable upang magkaroon ng malinis at maayos na kapaligiran.

Metro

3 magkakamag-anak, patay sa sunog