ISABEL, Leyte – Idineklara ng lokal na pamahalaan ang cholera outbreak sa indigenous people (IP) village sa Barangay Marvel.

Kinumpirma ni Mayor Edgardo Cordeño na anim sa labingwalong hospital confinements mula noong Marso 26 ang nagpositibo sa cholera.

Gayunpaman, tiniyak niya sa publiko na kontrolado na ang sitwasyon kung isasaalang-alang na isa lang ang admission nila mula noong Abril 8 na may nagpakita ng mga sintomas.

Sinabi niya na ang LGU ay nagbigay sa nayon ng kinakailangang tulong tulad ng food packs, tubig, gamot, at bitamina para sa mahigit 300 residente.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tinuruan din ng Rural Health Unit ang mga taganayon tungkol sa tamang kalinisan at sanitasyon upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Pinayuhan din ng opisyal ang publiko na magpakulo ng tubig at magsagawa ng water treatment sa kanilang mga tahanan kagaya ng paggamit ang chlorine, water purifying tabs, at hyposol, bukod sa iba pang preventive measures.

“Hindi lang sa Isabel nangyayari ang cholera dahil siguro sa lagay ng panahon kaya hinihikayat ko ang lahat na mag-maintain at mag-observe ng proper hygiene,” ani Cordeño.

Marie Tonette Marticio