Niyanig ng magnitude 7 na lindol ang bansang Indonesia nitong Biyernes ng hapon, Abril 14, ayon sa US Geological Survey (USGS).

Sa ulat ng Agence France Presse, nangyari ang lindol sa karagatan sa hilaga ng isla ng Java bandang 4:55 ng hapon (0955 GMT).

Namataan ang epicenter nito sa layong 160 kilometro sa hilagang-kanluran ng lungsod ng Surabaya, ang pangalawa umano sa may pinakamalaking populasyon sa bansa, at may lalim na 594 kilometro.

Wala pa namang naitatalang pinsala o mga nasawi dahil sa nasabing pagyanig, ayon sa AFP.

Internasyonal

Pamilya ng Pinay na pinaslang umano ng foreigner na asawa nito, nanawagan sa gobyerno

Madalas umanong makaranas ang Indonesia ng lindol dahil nakaposisyon ito sa Pacific “Ring of Fire”.

Nito lamang Abril 3, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang isla naman ng Sumatra sa Indonesia.

BASAHIN: Sumatra island sa Indonesia, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol