Binati ni Senador Risa Hontiveros ang mga nakapasa sa 2022 Bar Exams at sinabing maging hudyat nawa sila ng pag-asa para sa mga inaapi.
“Congratulations to all bar passers! ,” saad ni Hontiveros sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Abril 14.
“I hope that you always remember that your law degree is not only a personal achievement, not only a title for prestige and status, but a signal of hope for the many Filipinos — the marginalized, the oppressed, the disenfranchised — who need you. ,” saad niya.
Kanina lamang ay inilabas na ng Korte Suprema ang resulta ng isinagawang Bar Exams noong nakaraang taon kung saan 43.47% examinees umano ang nakapasa rito.