Pinaghahanap na ng pulisya si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at dating deputy officer nito na si Ricardo Zulueta.

Paliwanag ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief, Police Brig. Gen. Romeo Caramat, Jr. sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes, ito ay may kaugnayan sa warrant of arrest na inilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court sa kasong murder dahil sa pamamaslang sa presong si Cristito "Jun" Villamor sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) noong Oktubre 18, 2022.

Si Villamor ay sinasabing "middleman" sa pagpatay sa beteranong mamamahayag na si Percival Mabasa, alyas Percy Lapid sa Las Piñas noong Oktubre 3, 2022.

Iniutos na nito ang pagbuo ng tracker team na aaresto kina Bantag at Zulueta.

National

PBBM, masayang ligtas si Donald Trump mula sa 'assassination attempt'

Matatandaang sinampahan ng dalawang kasong murder sina Bantag at Zulueta noong Marso 14, dahil sa pagpaslang kina Lapid at Villamor.